Dyok Tym


 

Agaw-Buhay

 

Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan. Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa. "Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat sa iyo." "Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo." "Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........" "Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo rito sa mundo." "Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinag-taksilan kita sana ay patawarin mo ako." "Alam ko iyon, kaya nga kita NILASON."

BABAE DAW

Nagkaroon ng trouble ang airplane at sabi ng piloto "Fasten your seat belt". Isang babae nag-panic at ang sabi: "Ako'y babae, nais kong maranasan ang dapat maranasan ng isang babae bago bumagsak ang eroplanong ito! Mayroon ba sa iyong magpapatunay na ako'y babae?".  Tingin ang mga kelot at kinilatis si babae. Medyo may edad at medyo di maganda. Walang nag-voluntir agad. Sigaw ng babae: "Patunayan ninyong ako'y babae!". "Ako!" sigaw ng isang pogi at matchong lalake habang ina-alis niya ang bitones ng kanyan kamisedentro. Nanginig ang babae habang lumalapit ang kelot sa kanya. Tahimik ang lahat... Hinubag ang polo at ini-abot sa babae. Sabe niya sa babae, "Pakiplantsa mo 'to!"

SA RESTORAN...

CUSTOMER: Waitress! Ano ba 'tong binigay mo sa akin, kape o tsaa? Lasang gas 'to ah!

WAITRESS: Kung yan ay lasang gas, Kape yan! Ang tsaa kasi lasang pintura!

American to Tagalog

AMERICAN ENGLISH: Eat All You Can, don't be shy, feel at home!

IN TAGALOG: Kain lang kayo ng kain, walanghiya kayo, pakiramdam nyo bahay nyo to!